Dear Me


eto na naman tayo? kala ko ba ok ka na? kala ba ayos lang lahat? emaket nag uumpisa ka na naman? Dude, tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan tayo lang ang dalawa ang magkakampi. umalis man sila tayong dalawa pa din ang magkasama ako ikaw at ikaw ako lang. wag mong sabihing ok lang lahat sumigaw ka pag alam mong hindi mo kaya. hindi lahat kaya mong itanim sa sarili mo hindi ka bakal at lalong wala ka sa komiks na kapag nilapat mo sa kabilang page ok na agad ang bida.

sanay naman tayong dalawa ang magkasama simula noon pa di ba? ni hindi nga tayo naghihiwalay. nung ginawa mo yung bagay na yun habang sinusugatan mo yung sarili mo di ba sabi ko sayo wag masama yun. walang dumamay sating dalawa kaya nasa room lang tayo. Pare kung bibigay ka paano naman ako hindi ko kayang ihakbang ang isang paa kung wala ka. tandaan mo yung pinag usapan natin noong nakaraan tinalikuran man nila tayong dalawa ngitian lang natin sila.

madaming taong njan pa din para sa atin at alam mo kung sino yung mga yun. hindi ka mawawalan pag nawala sila sa atin ikaw pa din si ___ na gaya ng dati. tawanan mo lang lahat. pag may pumuri magpasalamat at pag may kumalaban ngitian mo lang. gaya ng dati. sa mundong to tayong dalawa lang ang magsasandalan.

basta gaya ng sabi ko sayo andito lang ako. walang bitiwan walang ayawan. salamat din njan ka para itama ako at njan ako para itama ka. salamat ulet.


0 comments: