Bakit Nga Kita Mahal?

bakit nga kita mahal?
yan pa din ang tinatanong ko sa sarili ko
nasaktan na ako ng ilang beses
binalewala...
at nilimot ko...
pero bakit mahal pa din kita
madaming nagsabing bumitiw na ako
at wala din akong magagawa
wala din akong mapapala
pero mahal pa din kita.
ano nga bang meron ka bakit mahal kita?
minsan naiinis na ako sa sarili ko
lagi kong pinapaalala kung gaano ako katanga
may mga nagmamahal sakin
meron pa ngang nagyayang sumama at magpakasal
kung tutuusin hindi ako masasaktan dun
kasi mahal nila ako
at handa "daw" silang magtiis sakin
pero anong magagawa ko hindi ako masaya sa kanila
sa'yo ako masaya
ikaw ang mahal ko
ayaw ko nang bumalik sa dati na naglalaro lang
hinging hindi ko na babalikan yun
mahal kita alam mo ba yun?
sana makita at maramdaman mo
kung gaano ako katotoo sa'yo
tsk...
kung kaya ko lang sanang sabihin sayo lahat
basta gaya ng sabi ko
hindi ako bibitiw
hindi kita iiwan
minsan lang akong maging masaya
minsan lang din akong magmahal
sana mapansin mo yun

0 comments: