Kainis


tanghaling tapat may kumatok sa pinto ko. isang babae nakita ko pamilyar ang ayos pamilyar ang tono ng boses. nakayuko humihikbi at ang luha pumapatak. tinanong ako pwede bang pumasok at pinapasok kita. niyakap mo ako at humingi ng pasensya sabi mo ayaw mo akong iwan naging marupok ka lang at nalito sa desisyon mo. tinanong kita kung bakit. ayaw mong sumama sa kanya at ndi ka masaya sa kanya ang sinagot mo lang sakin. mahal mo pa din ako sabi mo at ako ang gusto mo akong makasama. tahimik lang ako pero sa loob ko masaya ako saya na hindi mo makikita sakin. pinaupo kita, binigyan ng tubig, pinunasan ang luha kasama pati sipon at inalo. para kang bata na nagsumbong sakin lahat ng hinanakit at galit mo sa kanya sinabi mo sakin at ako... ako na iniwan mo parang gago na nakatingin lang at nakikinig.

tinanong kita kung mahal mo siya titig mo lang yung sinagot mo at ako parang si jojo acuin na hinuluan kung ano yung nasa utak mo. gusto ko ulit magtanong pero natigilan ako ayaw kitang pahirapan ayaw na kitang masaktan. kinuwentuhan kita na kahit alam kong para akong si April Boy Regino na puno ng kakornihan sa katawan ginawa ko para lang mapatawa kita. tinanong ko kung masaya ka ba sakin tango lang ang sagot mo na ndi ko pa din alam kung oo ba yun o nangangalay lang yung leeg mo sa pagkakayuko. pinaalala ko yung mga maganda nating pinagsamahan yung mga tawanan ung mga kulitan at hagikgikan na tanging tayo lang malamang ang nakakaalam nun.

"mahal mo pa ba ako?" yan ang tinanong ko sayo ngumiti ka lang at sinabi mong walang araw na hindi mo ako minahal. tinanong kita kung bakit mo ako iniwan kung mahal mo ako iyak lang ang sinagot mo at nag isip ulit ako kung anong ibig sabihin ng luha na yun. kung maganda ba o trip mo lang talagang umiyak para ndi mo masagot yung 1million dollar question ko. kaya para ndi ako mapahiya ng tuluyan ndi na lang ako sumagot pero lumapit ka at halik lang sa pisngi ang binigay mo na akala ko sa lips kainis ndi pa dun!(oopppss.. teka si neyborhud nagbibihis ulit! hehehe.... )

ok balik tayo sa kwento...

2 oras ka ding nagtigil sa bahay.... iyak... ngiti... ngiti... iyak... yan lang ang ginawa mo na akala ko malapit na ka ng ma aning aning!
nagulat na lang ako sa isang malakas na katok sa pinto. tinatawag ang pangalan mo. sa tono ng boses parang galit na galit parang gustong pumatay ng mga talunang kabayo sa karera. (ganyan kapitbahay ko na parang gustong patayin yung kabayo at hinete kasi natalo nya yung pang ulam nila) isang malakas na sipa sa pinto ang ginawa nya na kala mo isang action star na hinahabol ng sandamakmak na kalaban. tinatawag ka pinapalapit ka pero ayaw mo na sabi mo at gusto mong ako yung makasama mo. sa galit ng lalaki may binunot sa bulsa habang papalapit satin. galit na galit! sinisigaw ang pangalan ko! "BHONG!!! BHONG!!!" sa takot pumikit ako at pagsilip ko nagulat na lang ako isang kamay na may hawak ng pera ang bumulaga sakin. "ANO KA BA! KANINA PA AKO SIGAW NG SIGAW SAYO TULOG KA PA! YUNG PERA MO! KUNIN MO NA!" anak ng...*toottt *ttoootttt... panaginip lang pala yun at nanay ko yung tumatawag. buset!!! kala ko nagbalik ka na sakin hindi pa din pala! kainis hanggang panaginip iniwan mo pa din ako!!! ay heyt yu!!!

70% jan yung totoo at 25% yung kalokohan at 5% yung pagsilip ko k neyborhud na tinawag ako at magbibihis na daw sya! hehehe...



0 comments: